January 4th, 2009

The Monday Scare Has Come

>>>Earlier Today

Hindi mahirap magsulat ng bagong gising. Mahirap magsulat ng gutom at pinupulikat.

---

>>>The Monday Scare Has Come

LUNES NA.

Sa wakas, natapos na rin ang bakasyon para sa mga gusto nang pumasok ulit. At sa kasamaang palad, simula na naman ng delubyo (para sa mga taong sobrang nag-enjoy sa paghilata sa kama at paglamon ng lahat ng manggagaling sa refrigerator, para sa mga taong namihasa sa pagpapakababoy aka mga taong tulad ko). Tapos na ang maliligayang araw natin. Ibig sabihin din, tapos na ang holidays. Tapos na ang pasko at ang bagong taon. Nabuksan na lahat ng regalo at muntik nang naubos ang laman ng ATM (slash kinita ng 2008 at pinagsamang bonus at 13th month pay).

Naku, malamig pa ang hangin kaya masarap-sarap pa talagang matulog. Kailangan nang samantalahin ‘to dahil ilang buwan na lang eh pawis-pawis na naman tayo sa buhay

summer. And if you are my friend, you know that I don’t like the very thought of it! Argh!

---

>>>Quotable Quote

“Alam mo bang nalimutan na ng tyan kong gutom sya tas pinaalala mo lang? Bad ka, bad!” - The Legendary Aileen Macalintal

 ---

>>>Food Experiment of the Day

Try mixing (little or medium or large) bits of queso de bola and Christmas ham with your morning dose of rice. Tastes weird. But it's worth a try! Let me know of your stomach's violent reactions. Hahaha!

 

Posted by RJ_happygolucky at 05:39 PM | make me suffer..
Login to your account to post comment

You are not logged into your Tabulas account. Please click here to login.

Post comment as a guest

Your name:

Your email: (will not be posted publicly)

Your website: