Entries for January, 2009

January 1st, 2009

But It Doesn't Feel That Right After All

[NEW YEAR CONVERSATIONS WITH GENESIS ALAMO]

>>>Layas!

genalamo: jan, lahat ng tao nahihirapan, kanya kanya lang

genalamo: aba eh kung ndi ka nahihirapan, lumayas ka sa mundong to.. ndi ka bagay dito

genalamo: ahahahaha

genalamo: hmm...tama.tama.tama...

johnsion: but don't you think we deserve our fair share of fairness here?

 

>>>Malikot na Utak sa Karnehan

genalamo: maxadong malikot ang utak mo john

genalamo: ahaha

johnsion: sobrang lahat kayo mahihirapan

johnsion: malikot?

johnsion: ako pa ngayon ang malikot?

johnsion: ang utak?

johnsion: wah!!!!!!!!!!!!!!

genalamo: salamat at nauso ang blog kung ndi, nasa palengke na yang sumabog mong utak at ibinebenta sa karnehan..ahahahaha

johnsion: freedom of expression

 

>>>Complicated 

genalamo: waaaahh.. balik tayo sa word na sinabi mo kanina-----complicated. bow, vow,

johnsion: complicated talaga

 

>>>Same Damn Thing

johnsion: walang magagawa ang sobra kung

johnsion: hanggang ganyan lang palagi

johnsion: kapag nasasaktan ka (whether deliberately o otherwise)

genalamo: yaan na. ayoko na maging rational this time..gusto ko lang maksama xa, yun lang

johnsion: it's just the same DAMN thing...

johnsion: nasasaktan ka pa rin.

genalamo: i don't give a damn.

 

 >>>Stranger than Fiction

johnsion: one of the worst feelings in the world eh

johnsion: ung feeling na napapaasa...

johnsion: na meron sa loob loob na sana magiging okei in the end

johnsion: pero hindi pa din

johnsion: inasmuch as we'd like to think of it that way

johnsion: mahirap pa din

johnsion: it's just a testament that indeed life is stranger than fiction

genalamo: galing na ko jan, i knw hw it feels

genalamo: ryt

johnsion: but it doesn't feel that right after all

Posted by RJ_happygolucky at 03:55 PM | make me suffer..

January 2nd, 2009

At Long Last, L-O-V-E!

One day last week, I told my best friend of my dilemma that I can’t come up with a decent topic to talk (write) about here. Well, you may see for yourself if I even came up with one the past week. Anyway, he suggested that I write a piece about love. Yes, L-O-V-E. Uhmmm, I think after all that he has heard from me he figured out that I can write a lot about it. And with the gamut of stuff that I discussed with him plus the oft-argued (and habitually, unsolicited) pieces of advice he has received, I deem that his suggestion may be right. I’d like to seize this opportunity particularly because it’s the best time that he should hear these again. Of course, just hours ago he had read this. But for the sake of emphasizing and highlighting (and I tell him that all these are part of a grand plan to spear them doubly), I list all these. Enjoy!

>>>Reassurance? That’s plain and simple customer service. But does it bring you anywhere?

>>>Love is not enough. It’s the fighting for it that makes it hold its ground.

>>>Choose your words but don’t filter the emotions.

>>>You don’t owe me anything. You owe yourself your own happiness.

>>>Selfish love is immature love.

>>>Are you staying there because you want to move forward? Or are you staying there because you’re stuck?

>>>You don’t change a person. You change his habits.

>>>Lack of choice is different from lack of will.

>>>Don’t disappoint us. And please, don’t fail yourself. You surely deserve better.

>>>If you can’t fight for the one you love, at least fight for yourself and what you feel. (Better heard in the vernacular:

Kung hindi mo man maipaglaban ang taong mahal mo, ipaglabahan mo man lang ang sarili mo at ang nararamdaman mo.)

Here’s to wishing that he will make the best, fairest, and most upright decision. Then again, he still might not. And I loathe the fact that I can’t do anything about it. Or at least in the meantime.

Posted by RJ_happygolucky at 12:38 AM | make me suffer..

Ang Sermong Mas Masarap Sa Spaghetti

>>>The Search for Complete Happiness

genalamo: i know… hahaha… wag na jan… wag ka na maawa…

johnsion: uhmmm…

genalamo: lahat naman nakakaawa eh… kanya kanya nga lang di ba???

johnsion: sabagay… pero … pero…

genalamo: wala ng pero... hahaha…

ang hirap maging maxadong makatarungan jan... kung sa umpisa pa lang, wala naman talagang batas na sinusunod ng lahat…

johnsion: hindi rin…

kasi that's what you are resolved to thinking... and accepting... if you'd want to be selfish, please do it the right way.

genalamo: gradual jan... gradual lang

johnsion: by gradual you mean what?

genalamo: ayoko syang torture-in. aaay… ewan, di ko alam. waahh!!! ang sarap ng almusal ko… hahaha sermon mula kay jan… hahaha… chasing cars snow patrol

johnsion: well, mas masarap pa ba spaghetting nilantakan mo kanina? hahaha

genalamo: ahahaha...

parang dalawang umagang magkasunod na yata akong sinesermonan.. hahaha

johnsion:

oh well concerned lang, pero masaya ako para senyo. sana nga lang complete happiness… ayun…

--

>>> Monday Bomb is Coming!

Sabado na pala. Syet! Ang bilis ng oras. Ang bilis ng araw. Nakakatamad pang pumasok sa Lunes. Wah! Ayoko pa! Wah! ARGH!

Currently listening to: Oo by Up Dharma Down
Posted by RJ_happygolucky at 10:27 PM | make me suffer..

One Night Only

Kagabi ay nagtagumpay akong maisama si Popo at si Alvin na panoorin ang pelikulang ito ni Joey Reyes. Sa kabilang banda, di tulad ng panonood namin ng Shake, Rattle and Roll, nagbayad kami para makapasok sa sinehan. Kung bakit, ikukuwento ko na lang sa inyo pag nagkita tayo.

Ang One Night Only ang ginusto kong panoorin bago pa man magsimulang ipalabas lahat ng mga kalahok sa Metro Manila Film Festival (MMFF) ngayong taon. Ito ay dahil na rin siguro sa paghahalintulad dito sa mga pelikulang Jologs at Bridal Shower. Ang pelikula ay sex-comedy na umikot sa isang araw na buhay ng iba’t-ibang karakter na magtatapos sa isang motel, ang Lover’s Hideaway. Kaya One Night Only ang titulo nito.

Ito ay kuwento ng mga kuwento. Kuwento ng professional hooker (Katrina Halili) at hayok sa laman na Kongresman (Ricky Davao). Kuwento ng isang sikat na artistang lalaking mapagsamantala (Paolo Contis) at isang probinsyanang nasa loob ang kulo at kati (Alessandra de Rossi). Kuwento ng isang advertising executive (Jon Avila) na naipit sa dalawang babae: isang anak ng kongresman (Diana Zubiri) at nangangaliwang girlfriend (Valerie Concepcion). Kuwento ng isang babaeng (Jennylyn Mercado) na nakipaghiwalay sa lesbianang girlfriend (Manilyn Reynes). Kuwento ng isang parloristang bakla (Chokoleit) na nais makatagpo ng lalaking mamahalin ngunit pakiramdam nito’y naloko s’ya ng kinaibigang lalaki (Joross Gamboa). At kuwento ng isa pang baklang reporter (Ogie Diaz) na naghihinganti sa nambugbog na artistang lalaki (Contis).

Whew! Ang daming kuwento! At ito rin ang dahilan kung bakit nahirapan (at hindi nagtagumpay) si Reyes na bigyang hustisya ang lahat ng mga intensyon n’ya upang mapaganda aang pelikula. Magulo. Minadali. Hindi tuloy nabigyan ng tamang pagkakahubog ng karakter ang ilan sa mga bida. At may mga karakter rin na hindi naman talaga kailangan sa istorya, isa na riyan ang asawa ng kongresman na ginampanan ni Tessie Villarama. Isa’t kalahating oras lamang ang itinagal ng pelikula subalit parang ang tagal at ang bagal ng kuwento noong patapos na ito. At natapos ito sa pamamagitan ng riot. At kung hindi maayos ang simula, hindi rin maayos ang katapusan.

Ang pelikulang ito ay pelikula na dinala ng mga mahuhusay ang pagganap. Sa lahat ng mga hinabing kuwento, pinakanakakaaliw ang kina De Rossi at Contis. Ang reversal of fate ng dalawa: ang pagiging hayok ng babae at kapaguran at pagsuko ng lalaki. Dito ko rin napansing mas epektibong contravida sa teledrama si Katrina Halili kaysa bida sa pelikula. Ang daming nasayang na punch line at nakatatawang tagpo. Sayang at mas magaling pa sa kanya ang iba n’yang kapwa bida. Buti na lang mahusay si Davao sa kanyang papel. Sayang din at hindi masyadong napagtuunan ng pansin ang mga karakter ni Mercado, Concepcion, at Zubiri na di hamak na mas maayos ang pagkakaganap kaysa kay Halili. Nakakaaliw rin si Reynes sa kanyang pagganap. Si Chokoleit naman ang pinaka-nakapagpatawa sa akin. (Hindi kita binigyan ng kung anu-ano, hindi ko pinagpaaral ang mga kapatid mo para ampunin kita! Di ba ang sabi mo mahal mo ako?)

Kapuri-puri naman ang visuals sa pelikulang ito. Ang angel room ni De Rossi (the irony!), ang space shuttle room nina Chokoleit at Reynes (bakla at tibo sa isang space shuttle room?), ang summer room nina Mercado at Gamboa (sumisimbolo sa pagsisimula), ang jungle room ni Halili (ang gulo! at ang swing!), at ang adam & eve room ni Avila at Zubiri (sumisimbolo sa bareness o kawalan at ang libido na naroon na sa simula pa lamang).

Stereotypes. Umuulan ng stereotypes sa pelikulang ito. Hindi lang ako mapalagay kung naging makatarungan ang pagsasalarawan ng mga ito. Ang paghahanap ng kababaihan sa mga guwapong lalaki at pag-iwan sa hindi kaguwapuhan. Ang pangangaliwa ng mga lalaki. May mga metaphor rin na animo’y anti-third sex: tulad na lamang ng paghahanap ng bakla at tibo sa nawawalang mga jowa at ang pangangatok nila sa mga pinto at ang paglalakad sa pasilyo at ang walang katapusang panggagamit, pag-iwas (ang hindi pagpapapasok sa motel sa magkapares na parehong lalaki o babe), at pang-iiwan sa mga ito. Hindi lang din ako mapalagay kung ang mga critique sa iba’t-ibang butas sa lipunang Pinoy sa pamamagitan ng sex, parody, at pagpapatawa ay naging malinaw sa mga manonood. Maraming twists and turns na animo’y nakakahilong sabayan.

Sa kabuuan, sinasalamin lamang ng pelikula ang sarili nitong titulo: One Night Only. Fun(ny) but sorely raw in the core.

Posted by RJ_happygolucky at 10:44 PM | make me suffer..

Shake, Rattle & Roll X

 

Hindi ko matandaan kung pang-ilang Shake, Rattle, and Roll ko na ‘to. Ang alam ko ang huling installment na napanood ko ay ‘yung episode na may LRT. Buti na lang may nabibiling DVD ng lahat ng entries para sa taong ‘yun. Hindi ko na rin matandaan kung sino-sino ang bida dun. Basta ang natatandaan ko lang may episode dun na may circus group tapos kasama si Bearwin Meily. ‘Yun lang. Tinanong ko kay Popo at ang sabi n’ya 2006 daw yun, kaya I assume na SRR 8 yun.

Gaya ng mga naunang Shake, Rattle and Roll, ang bagong installment ay binubuo ng tatlong kuwento: Emergency na pinangunahan nina Roxanne Guinoo at JC De Vera, Class Picture nina Kim Chiu, Gerald Anderson at Jean Garcia, at Nieves ni Marian Rivera.

Aaminin kong naapektuhan ang panonood ko ng mga rebyu na nabasa ko bago ako pumasok sa sinehan. Halu-halo. Iba-iba. Pero sa aking pananaw, walang mawawala kung panoorin ko ‘to lalo pa at libre at hindi ko kailangang gumastos.

Ayoko nang pag-usapan ang unang episode. Ang nasabi ko lang sa katabi ko, “Para lang s’yang nawawalang Oka Tokat!” Pero parang minaliit ko naman ang Oka Tokat! na sa palagay ko ay mas nakakatakot pa nga. Pangatlong SRR na (yata) ni Roxanne Guinoo ‘to pero bakit parang hindi pa rin? At isa pa, bakit tinatanggap ni Mylene Dizon ang mga ganitong klaseng papel? Naawa naman ako sa kanya. Naisip ko na rin naman ang sagot. T’yak naming mas malaki ang bayad dito kaysa sa mga pelikulang indie na kadalasang ginagawa n’ya.

Ang ikalawang kuwento ay ang pinakamatino sa tatlo. Idinirehe ni Topel Lee, may mangilang-ngilang kagulat-gulat na eksena na talaga namang nagpaingay (at nagpatili) sa karamihan ng mga nasa sinehan. Genre talaga ni Lee ang suspense-horror. Kapansin-pansin rin ang husay ni Jean Garcia at ang chemistry ni Kim at Gerald, kahit pa kailangan pa nila ng mas marami-raming acting workshop. Si Chiu, matamlay pa masyado para sa isang horror film (pero kyut naman s‘ya). Si Anderson, baluktot pa rin ang dila. Hindi ko mapigilang matawa habang sinisigaw n’ya ang pangalan ni Kim Chiu (Joy! Joy! with matching accent na pang-Kano.) Nakakatawa rin ang eksenang lumilipad si Garcia na hawak-hawak sa leeg si Chiu. Gayunpaman, masasabing ito ang pinaka-pulido ang pagkakagawa sa tatlong istorya. Salamat na marahil sa impluwensya ng Japanese horror film-making sa mga sumulat at nagdirek nito.

Ang kontrobersyal na si Marian Rivera naman ang bida sa ikatlong bahagi ng pelikula. At s’ya rin ang nagdala rito. Tulad ng unang kuwento, si Mike Tuviera ang nag-direk nito at mas maayos n’ya tong nagawa kaysa sa una. Ganito ang mga pelikulang dapat binibigay kay Rivera. Mas nabibigyan n’ya ng hustisya ang isang papel na pang-comedy kesa pang-heavy drama. Natural s’ya pag nagpapatawa. Ang paggamit sa karakter ni Pekto bilang object of affection at fantasy ni Rivera ay kumiliti at nagpatawa rin sa mga manonood. Kung tutuusin, isa rin itong attempt para sirain ang stereotyped na imahe ng isang guwapo at machong leading man. Nakakainis man itong isipin. Lalo na sa mga eksenang kulang na lang ay halikan ni Rivera ang mga paa nito. Sa pangkalahatan, ang kuwentong ito ay higit na adventure kaysa horror o suspense. Wala ring nakakatakot na eksena. Naaalala ko pa kung paano ako natawa at napahagikgik sa confrontation scene ni Rivera at Diana Zubiri. Parang Street Fighter lang. Sa kabilang banda, dito rin makikita ang mga reference sa kultura, kaugalian, at paniniwalang Pinoy, tulad na lamang ng paniniwala sa engkanto, folk characters tulad ng tikbalang, konsepto ng pagtutulungan at pagtanaw ng utang na loob. Sana lang sa susunod na lalabas sa pelikula sa Iwa Moto, isipin n’yang wala na s’ya sa Starstruck, may nanonood na sa kanya, at nasa pelikula na s’ya (ibig sabihin may tiket na binibili para makapasok sa sinehan).

Sa kabuuan, kailangan na sigurong pag-isipan ni Mother Lily kung gaano n’ya kadalas gagawin at pagkakaabalahan ang pelikula slash franchise na ito. Hindi na siguro masama kung isa kada dalawa o tatlong taon n’ya ito gawin. Nang sa gayon, mas mapaghandaan at mas mapag-isipan. Hindi na siguro masama na naka-sampung Shake, Rattle and Roll na s’ya sa loob ng dalawa’t kalahating dekada. Isipin na rin siguro n’ya na marami ang nakaka-miss sa kalidad nito gaya noong mga unang installment. Para sa ‘kin, wala pa ring tatalo sa Undin at Refrigerator. At sana rin hindi n’ya rin abusuhin ang hilig ng Pinoy sa ganitong genre. May option din s’ya na pagpahingahin na ito ng tuluyan at gumawa ng bago. Sa husay at talento ng mga batang manunulat at direktor na mayroon tayo sa bansa, hindi nakapagtataka kung makagawa tayo ng higit pa sa naiambag ng Shake, Rattle and Roll sa kamalayang Pilipino.

Posted by RJ_happygolucky at 10:47 PM | make me suffer..

January 3rd, 2009

Always Not Good Enough

SUNDAY EARLY morning. Still couldn't sleep. Well, I've had lots of it since Tuesday and I fear that I gained some weight because of this much-anticipated (or /and needed?) vacation. (I will miss this! Big time!) I missed Peyups.com so much that I spent around two and a half hours randomly reading posts and forum comments. Here are two writings that caught my attention (and struck me the most): 

"...not only is my best always not good enough around here-the injustice is that those people who don't try even half as much as I do are the ones who prevail."

- Letter to a Graduating Student, Peyups user aaliyah: http://www.peyups.com/article.khtml?sid=4374 

 "Aristotle said that happiness is the end most sought for. And indeed it is. Of course Aristotle probably referred to that happiness beyond the measly glee brought about by novelty or youth, or the fleeting gladness in temporality. But philosophical abstractions notwithstanding, things are often simpler than they seem: When you don't think you're happy, you probably aren't. 

And if there's anything I'm certain of right now, it's that I know that I'm not.

And this is why, for once, I will give up. That much I owe to myself. And when I do, I will never be prouder because despite appearances, quitting will be by far the bravest thing I would have ever done."

- On Giving Up, Peyups user panda boar: http://www.peyups.com/article.khtml?sid=4381

 Meantime, let me get busy searching for some precious sleep. See yah around!

Posted by RJ_happygolucky at 04:29 PM | 2 abused me!

January 4th, 2009

The Monday Scare Has Come

>>>Earlier Today

Hindi mahirap magsulat ng bagong gising. Mahirap magsulat ng gutom at pinupulikat.

---

>>>The Monday Scare Has Come

LUNES NA.

Sa wakas, natapos na rin ang bakasyon para sa mga gusto nang pumasok ulit. At sa kasamaang palad, simula na naman ng delubyo (para sa mga taong sobrang nag-enjoy sa paghilata sa kama at paglamon ng lahat ng manggagaling sa refrigerator, para sa mga taong namihasa sa pagpapakababoy aka mga taong tulad ko). Tapos na ang maliligayang araw natin. Ibig sabihin din, tapos na ang holidays. Tapos na ang pasko at ang bagong taon. Nabuksan na lahat ng regalo at muntik nang naubos ang laman ng ATM (slash kinita ng 2008 at pinagsamang bonus at 13th month pay).

Naku, malamig pa ang hangin kaya masarap-sarap pa talagang matulog. Kailangan nang samantalahin ‘to dahil ilang buwan na lang eh pawis-pawis na naman tayo sa buhay

summer. And if you are my friend, you know that I don’t like the very thought of it! Argh!

---

>>>Quotable Quote

“Alam mo bang nalimutan na ng tyan kong gutom sya tas pinaalala mo lang? Bad ka, bad!” - The Legendary Aileen Macalintal

 ---

>>>Food Experiment of the Day

Try mixing (little or medium or large) bits of queso de bola and Christmas ham with your morning dose of rice. Tastes weird. But it's worth a try! Let me know of your stomach's violent reactions. Hahaha!

 

Posted by RJ_happygolucky at 05:39 PM | make me suffer..

January 5th, 2009

YYY & ZZZ

>>>Beginning ‘09

AFTER NEARLY twelve hours at work, I’m finally home. And what a feat it was! I’m home before sunrise! What a sweet relief for someone who still has truckloads of stuff to finish at the office. And for sure, these are the same matters that will greet me come Tuesday shift. Oh well, the Monday bomb was not that big a scare at all. Maybe, it was just my I-don’t-care-much-about-what’s-happening-around-me kind of attitude that changed my view on the course of things. At least for today.

2009. New Year. Good start.

Or was it?

--

>>>Coffee Talk

Hoy! Unang araw ng trabaho ngayon. Ayusin mo ang 2009 mo. Mag-Starbucks ka ha! - Sheila Marie F. Ramirez

---

>>>Last Song Syndrome

Love can mend your life. Love can break your heart. - Message in a Bottle, The Dawn

---

>>>Break with Mr. Alamo

YYY:

Sobra ka naman. Di makatarungan ‘yun.

ZZZ:

Sanay na ako sa injustice. Sanay na dapat ako. Unfair na sa kanila kung hindi pa.

---

>>>And Just For Emphasis

Hindi maitatama ang isang mali ng isang mali.

(Hindi maitatama ng isang mali ang isang mali.)

Posted by RJ_happygolucky at 06:38 PM | make me suffer..

January 11th, 2009

The Signs are Here.

>>>I Saw the Signs

The signs should be more than enough to tell you what to do.

>>>For A Change

A week and a half into the new year and I’m starting to think whether and, at the most, convince myself that I am on the right track. For a change, I think I am.

In all fairness to the eleven days that just passed since the world welcomed 2009, I feel that there’s a majority of great positive vibes rolling into my way. (And that’s something new for me that it might come across as alienating for some. My blog entries might give you the idea of thinking otherwise but the stuff I have here are stuff I write before I sleep after a heavy day‘s work so you should know what I mean now. But I am changing. I am trying to, mind you. And I will continue to.) If there’s anything (or anyone) negative somewhere, I do not watch out for it or pay any worthy attention. Amidst all the bullsh*t happening and existing around me (and wherever they are in proximity from me), I will choose to live my life my way. Even if it is to dishearten or disappoint those who wish for my collapse and disgrace.

2009 will be a better year. It must be.

>>>Needs Wants: Wants Needs

Giving what someone wants is different from giving him what he needs. In a world where these two are often confused, it takes a lot of discernment, fairness, and, yes, sensitivity, to know their difference to begin with.

>>>Incognito

Part 1: Sabi nga ng pari sa kasal na pinuntahan ko nung Sabado ng hapon, To love is to sacrifice. The greater the love, the greater the sacrifice.

Part 2: The more your rekindle the memories, the harder it will be for you to move on.

Part 3: Kasi nga, it’s all in you. Sa’yo nakasalalay ‘to lahat. Yung pagtanggap na wala na talaga. Yung pag-unawa. Yung pagiging malakas. Yung paglaban sa lungkot. Kung babalik, eh di babalik. Eh paano kung hindi? Paano ka?

Part 4: Mahirap bumiyahe ng loaded ang sasakyan.

Part 5: But moving forward doesn’t mean not looking back.

Part 6: I’m fine. But I can be better.

Posted by RJ_happygolucky at 04:01 PM | make me suffer..

January 12th, 2009

Breakdown

 >>>The NBA Moving Forward Process

:::Initial

1. Kill the Hope

2. Unlearn the Love

3. Stop Expecting

:::Edit 1

1. Kill the Hope

2. Stop Expecting

3. Save Yourself Some Pride & Respect

:::Edit 2

1. Kill the Hope

2. Stop Expecting

3. Let the Love Die a Natural Death

:::Edit 3

1. Kill the Hope

2. Stop Expecting

3. Let the Love Die a Natural Death

4. Live in the Present but Move Forward

5. Save Yourself Some Pride, Respect, & Dignity

6. Discipline Your Self

>>>Incognito

Hindi naman ginawa ang lahat ng bagay para maintindihan.

>>>On Someone’s Behalf

Well I guess I'm trying to be
Nonchalant about it
And I'm going to extremes to prove
I'm fine without you
But in reality I'm slowly losing my mind
Underneath the disguise of a smile
Gradually I'm dying inside
Friends ask me how I feel
And I lie convincingly
Cause I don't want to reveal
The fact that I'm suffering
So I wear my disguise
Till I go home at night
And turn down all the lights
And then I break down and cry

- MC

>>>In Passing

Hindi lang galing ang basehan ng lahat. Dapat talaga mahal mo rin ng buong puso ang ginagawa mo.

Posted by RJ_happygolucky at 08:56 PM | make me suffer..

January 21st, 2009

Bakit Ba Kasi Pinipilit Unawain ang Mga Bagay na Hindi Naman Talaga Dapat?

I am not a fan of optimism. In fact, I never was. My real friends could attest to that. But recent events in my life pushed (or should I say forced?) me to be one. When all in the world has proven to be an array of both complicated things and difficult people, you have to shower yourself with some glorious dash of fairness by allowing optimism to shine its light on you. I choose to be happy. This is a choice I make despite all the hostility and indifference this world has shown me. This is a choice I make albeit all the abrupt yet expected breakdowns. Fairness and justice should no longer be an issue here--as they never existed anyway. I am standing up for my choice. I will stick to it as if it were my heart and body. The race may soon be over. The strong finish may be clear and just around my lucid vision. But I will make sure that I savor every minute and every single bit of these moments that lie ahead. I might not end up as victorious as I planned, but I will make sure that I ran the best race as if it were the only one I could ever have in my lifetime.

###

I miss my conversations with my best friend. They range from the nasty to the obscure. From the impersonal to the most delicate of stuff. From the nonchalant to the hurting. I know he’ll end up reading this and I know that he knows what I mean. I hope to find ourselves seated again in the middle of obscurity, clatter, and noise conversing on just about anything. These are the days when freedom (of speech) is best practiced. And these are days when I’m most happy. And he knows that.

###

Tama, marami pang mga bagay ang hindi ko naiintindihan. Marami pang mga bagay ang ipinipilit kong intindihin pero hindi ko magawang unawain. Marahil hindi sapat ang pag-intindi. Marahil hindi rin sapat na alam mo ang dahilan ng mga bagay-bagay. Dapat may ginagawa ka rin. Sa kabilang banda, masama na rin kapag sumosobra. Minsan, hindi na rin tama na angkinin ang hindi naman talaga sa ‘yo. Huwag magpumilit kung ayaw. Huwag magsayang ng oras at pagod kung wala na talagang magagawa. May hangganan din ang lahat. Matatapos ang mga nangyayari at pangyayari kung matatapos ang mga ito. Kanya-kanyang diskarte lang ‘yan. Kanya-kanyang lakas ng loob, kanya-kanyang takbo, kanya-kanyang sugod, kanya-kanyang pagpapagod, kanya-kanyang paghihintay. Sa huli, makukuha mo rin ang makukuha mo--gustuhin mo man o hindi.

Posted by RJ_happygolucky at 10:54 PM | 1 abused me!