December 1st, 2003
pamamaalam
umaalingawngaw pa sa aking gunita
ang mga huling katagang namutawi sa mga labi mo
bilog ang buwan noon at
paunti-unti pa kung bumugso ang hangin
hinaplos mo ang mga palad ko
nangungusap ang iyong mga mata't
nangingilid na ang mga luha
ngunit pinipigilan mong ito'y pumatak
ngumiti ka ngunit pilit
at siuklian rin kita ng ngiti
ninais kong sumabog sa hapdi
at iwasan ang tingin mo, ang ngiti mo
ninais kong manatili ka pa
yakapin at hagkan
pinili kong tanggapin na lang lahat
ng sakit na dulot ng pamamaalam mo
ikinubli ko ang damdamin
ngayon, hati na ang buwan
at malakas na ang pagbuga ng hangin
palibhasa'y malakas rin ang ulan
umaalingawngaw pa sa aking gunita
ang mga huling katagang sinabi mo --
"Mahal na mahal kita, ngunit mas pipiliin kong
lisanin ka upang patunayang mahal nga kita."
ngayon, patuloy ang pagpatak ng ulan,
patuloy ang pag-ihip ng malamig ng hangin...
sa paghihintay ko ng muling pag-init ng damdamin
sa patuloy na paglaban ko sa pagyeyelo ng puso
unti-unti nang lumalabo ang aking gunita
tumitiklop na ang kamalayang minsang pinagsaluhan natin,
"Ngayon, mas pipiliin kong lisanin ang mundong ito --
upang patunayang mahal nga kita."

Posted by RJ_happygolucky at 03:40 AM | 29 abused me!

o